Monday, June 11, 2007

Gretchen Barretto and John Estrada kissing photos

The thing about the scandal picture of beautiful Filipina actress Gretchen Barretto and actor John Estrada, certain eyewitness give her comment that they were just asked to pose for the camera and weren't doing anything there before or after. It was been taken during surprise birthday party celebration for sexy Pinay actress Rufa Mae Quinto and was given by boyfriend Erik Santos, with rore than 20 people attended the party including, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Ai-Ai delas Alas, Rustom Padilla, Nadia Montenegro, Mitch Dulce, Say Alonzo, and some non-showbiz friends.

See related post:

8 comments:

Anonymous said...

Painit nang painit ang kontrobersiyang dulot ng naglabasang mga litrato diumano nina Gretchen Barretto at John Estrada, kung saan ang isa ay nagpapakita na naghahalikan sila.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa. Isang maikling mensahe lamang ang ipinarating ni Gretchen sa TV Patrol World kagabi, kung saan sinabi niyang dismayado siya sa paglabas ng aniya'y mga malisyosong mga larawan.

At press time ay sinusubukan pa rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag nina Gretchen at John tungkol sa mga kumakalat na mga larawan sa Internet.

Kagabi, bandang alas-diyes ng gabi, ay nakausap ng editor-in-chief ng PEP at YES! Magazine na si Jo-Ann Maglipon si John, pero tumangging magbigay ng pahayag ang aktor.

"Hindi ako magsasalita," sabi ni John.

Samantala, si Gretchen naman ay hindi sinasagot ang tawag ng PEP sa kanyang cell phone.

At sa pananahimik nilang dalawa, tila umiingay naman ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa kumakalat na mga larawan diumano nila. Ilang oras matapos ilabas ng PEP ang artikulo, patuloy rin itong nakakatanggap ng mga unverified claims and information.

Naisulat na namin dito kahapon na posibleng kuha ang nasabing larawan sa bahay ni Rufa Mae Quinto noong nag-celebrate siya ng kanyang birthday party. Nakatanggap ang PEP ng impormasyon na kumukumpirma na ang mga larawan ay kuha nga sa bahay ng sexy actress.

Heto pa ang isang detalye na nakalap ng PEP—Nokia N95 ang cell phone na ginamit diumano sa pagkuha ng mga larawan. Ang naturang cell phone ang tanging Nokia model na may 5 megapixel camera. May autofocus ito at kayang kumuha ng high-quality photos.

Ang tanong ngayon ay kung kaninong cell phone ang ginamit para kuhanan sina Gretchen at John, kung totoong sila nga ang nasa mga larawan na nagsi-circulate sa Internet.

Matatandaang sa isang interview ni Rufa Mae ay sinabi niyang dumalo sa kanyang birthday party noong May 27 ang halos lahat ng mga malalapit niyang kaibigan, dahilan para maiyak siya sa sobrang katuwaan.

Kung totoo ngang kuha sa birthday party ni Rufa Mae ang sinasabing kissing photo nina Gretchen at John, sino sa mga bisita niya ang kumuha ng litrato? At paano ito kumalat hanggang sa makarating sa Internet?

Dahil party nga, posibleng nagkakatuwaan lamang ang mga imbitado sa birthday party ni Rufa Mae. Maaaring dare lamang iyon sa isang laro dahil magkakaibigan naman ang lahat ng dumalo sa party.

Kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na litrato diumano nina Gretchen at John, may nakakatuwang kuwento ang talent manager ng aktor na si Douglas Quijano sa PEP.

Bumisita kasi si Tito Dougs sa taping ng Mel & Joey, ang GMA-7 talk show na hinu-host nina Mel Tiangco at Joey de Leon. Napagkuwentuhan nina Tito Dougs at Joey ang kumakalat na litrato nina Gretchen at John, kung saan tila may hawak na bote ng beer si Gretchen at may birthday cake sa mesa sa kanilang likuran.

Bigla raw humirit si Joey ng: "Ay, balewala ‘yan! Hindi naman ‘yan sa bedroom, party pa nga. Tingin ko nga, may spiritual relationship sina John at Gretchen. Tingnan mo, they are under the spirit!" Ang tinutukoy na "spirit" ni Joey ay ang ispirito ng alak na tila hawak ni Gretchen sa larawan.

Natawa na lang daw si Tito Dougs, na dalawang araw na ring hinahabol ng mga reporters upang hingan ng pahayag tungkol sa larawan diumano ng kanyang alaga at ni Gretchen.

Anonymous said...

Karaniwan na sa panahon ngayon ang pagkalat ng mga intimate photos, pati na sex videos ng mga celebrities, sa Internet. Bagama’t may mga ilan dito na totoo, karamihan ay peke o kaya’y dinoktor, gamit ang pinakabagong teknolohiya sa computer, lalo na sa mga larawan na ginagamitan ng Photoshop.

Kaugnay nito, nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng email kahapon, June 7, kung saan nakapaloob ang mga larawan ng dalawang sikat na celebrities.

Ang unang larawan, ipinapakitang magka-akbay ang dalawa sa isang couch. Wala namang masama sa larawang ito dahil maaaring ipagpalagay na magkaibigang matalik lamang ang dalawang artista.

Ang pangalawang larawan ang gumulat sa amin at marahil sa lahat ng mga nakakita na nito sa kanilang email at cell phone. Nasa same couch pa rin ang dalawang celebrities pero sa naghahalikan na sila, as in magkalapat ang kanilang mga labi.

Makikita sa background ng larawan, na kuha sa isang camera phone, ang isang mesa kung saan may nakapatong na cake. Maaaring nakunan ang larawang ito sa isang birthday party o ibang okasyon. Malaki rin ang posibilidad na kuha ang mga larawan sa loob ng isang bahay.

Sa bandang kanan ay makikita rin ang isang nakaupong babae na malabo ang pagkakakuha kaya hindi makilala. Obviously, kaibigan o kakilala ng dalawang celebrities ang naturang babae.

Tangan naman ng celebrity na nakikipaghalikan ang isang bote na mukhang beer. Para ngang lasing at relaxed ang celebrity couple.

Sa unang tingin ay wala namang masama sa mga kuhang ito dahil maaaring magkasintahan o mag-asawa ang mga nasa larawan. Pero dahil sikat na mga artista nga ang nasa larawan ay talagang nakakagulat, lalo na’t ang isa sa kanila ay may karelasyong iba ngayon.

Ang dalawang celebrities na nasa mga larawan ay sina Gretchen Barretto at John Estrada.

Bagama’t may mga anak na, si John ay single ngayon pagkatapos makipaghiwalay sa kanyang dating girlfriend na si Vanessa del Bianco, ang ipinalit niya sa dating asawa na si Janice de Belen.

Hindi pa kasal si Gretchen sa billionaire businessman na si Tonyboy Cojuangco, pero ang alam ng marami ay walang problema ang kanilang mahigit labindalawang taong pagsasama—na nagbunga ng isang anak, si Dominique.

Sa madaling salita, maraming katanungang iniwan ang mga larawang ito nina Gretchen at John.

Una, hindi kaya peke ang mga larawang ito?

Sa mga nakakita na ng mga litratong ito nina Gretchen at John, na ang iba ay may kaalaman sa computer, wala ni isa sa kanila ang nagsabing peke ang mga ito.

Pangalawa, kailan at saan kinunan ang mga nasabing larawan?

May mga nakuhang impormasyon ang PEP na ang dalawang litrato nina Gretchen at John ay kuha nga sa isang birthday party. May nakapagsabi rin sa amin na ang petsa ng pagkuha ng mga nasabing larawan ay May 27, 2007. Sinaliksik ng PEP kung sinu-sinong mga celebrities ang mga nagdiwang ng kaarawan noong araw na ‘yon o kaya ay malapit sa nasabing petsa.

Nalaman naming ang birthday ng kaibigan ni Gretchen na si Rufa Mae Quinto ay noong May 28. Nagkaroon ng surprise birthday party kay Rufa Mae the night before her actual birthday sa kanyang bahay. Kaya maaaring tukuyin na sa birthday celebration nga ni Rufa Mae ang setting ng litrato.

Pangatlo, sino ang nagpakalat ng nasabing larawan?

Walang kuwestiyon na ang larawan ay galing sa isa sa mga um-attend ng birthday party. Marahil ay ipinakita ng taong ito sa isang kaibigan, na ipinasa sa iba, hanggang sa kumalat na nga at nakaabot sa Internet.

Pangatlo, at ang pinakamatindi, may relasyon nga ba sina Gretchen at John?

Ito ang isang tanong na tanging sina Gretchen at John lamang ang makakasagot, bagama’t may mga usap-usapan na tungkol sa dalawa.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig nina Gretchen at John tungkol sa mga kumakalat nilang mga larawan ngunit wala pang gustong magsalita sa kanilang dalawa.

Kani-kanina lamang ay nagbigay ng pahayag si Gretchen sa TV Patrol World, ang primetime newscast ng ABS-CBN. Ayon kay Gretchen, dismayado raw siya sa umano’y pagkalat ng mga malisyosong larawan. Naghahanda na rin daw siya ng opisyal na pahayag para sa The Buzz sa Linggo, June 10.

Anonymous said...

gretchen always brags about her designer outfit ..why can't she brag about this pic
just curious

Anonymous said...

honestly i am one of gretchen fans bcoz of her very fascinating and goddes beauty. when i first saw the picture of her kising 2geder with john i was so disappointed. see hindi cya makapagsalita kasi 220, she cant deny what people have seen, den with boy abunda he cant hide what greta did kung si greta nga di mkapagexplain cya pa kaya.....ang daming tao ang nagulat bcoz of this, cguro ngyon pinagtatawanan na lang sya ng mg alaaway nya sa showbiz like dawn

Anonymous said...

i think gretchen did this because she's lonely(and horny).. until now she's not yet married to that millionaire boyfriend of hers. imposibleng walang relasyon at imposibleng walang nangyayari jan sa mga yan. if i were tony boy i'd look for another girl because obviously gretchen isn't in love with him and she's hornier with another guy. pera lang naman talaga ang habol nyan! ngayon siguro naman obvious na. sampal sa pagkalalaki ni tonyboy yang katotohanan na yan. i'm sure there were other torrid kisses or even sex that happened between them. he should definitely leave that girl, she's not worth it anyway and she's as cheap as any other gold digger.

Anonymous said...

hey greta you are such a brat! you john is such a pig...greta better call paris hilton's lawyer to establish a better version of allibies to cover up and clean your own mess!!! tony boy is such a looser!!!

Anonymous said...

hay naku! greta hindi ka nahiya sa ginawa mo may anak ka pa naman babae pa!
sabihin mo wala kayong relasyon sinong niloko mo lelong mong panot!!!hahahaha!! hoi di mo maloloko mga tao...kawawa naman si tonyboy ang bait nya pa naman sa u ganyan pa isusukli mo...malandi ka talaga noon pa man...homewrecker ka na..manahimik ka na matanda ka na...

yellowbolls said...

pls visit http://filipinahotties.blogspot.com
http://deathbyporno.blogspot.com
for the latest pinay scandals
salamat po!